Malicious Mindset ng mga Tiwalag

Pilit na namang iniuugnay ng mga tinamaan ng magaling na mga tiwalag ang Iglesia Ni Cristo sa mga diumano’y gambling business sa Pilipinas na sinasabi nilang pinasok na ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo. Ano ang kanilang BATAYAN sa malisyosong isipan nilang ito? Ang pangalang “New Era” na nakakabit sa kompanya na kasosyo sa negosyo ng RYM Business Management Corp. Ito ay ang kompanyang tinawag na “New Era Empire Realty Corp.” 

Panibagong assumption ng mga tiwalag!
Continue reading “Malicious Mindset ng mga Tiwalag”

FORGED SIGNATURE: Binubuhay ang patay na isyu…

Sino ang tunay na may MO ng pagsisinungaling?

Muling binubuhay ng mga itiniwalag dahil sa paglaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang isyu ng diumano ay pinekeng lagda ng yumaong kapatid na Edward Hemedez. Ito ay kaugnay ng issue sa napabalita kailan lamang na diumano’y forged signature ni Pangulong Marcos sa appointment ni Atty. Abraham Espejo. Pinalilitaw ng mga tiwalag na kasangkot sa kaso ng forgery si Atty. Espejo na isang kaanib sa Iglesia Ni Cristo –

Continue reading “FORGED SIGNATURE: Binubuhay ang patay na isyu…”

Ang ‘Pandemonic Mentality’ ng mga Tiwalag na Lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Habang iniinda ng maraming tao ang pahirap at panganib na dulot ng pandemic na CoVid-19 ay patuloy naman sa panghahawa ang pandemonic na isipan ng mga itiniwalag sa Iglesia dahil sa ibat-ibang kaso na lumaban sa Pamamahala.

Anu-ano ang ilan sa mga sakit ng mga tiwalag na ito na nakakahawa sa mga nawiwiling magbasa ng kanilang mga posts sa social media kung mahina, walang-alam at hindi mapanuri ang nagbabasa?

Continue reading “Ang ‘Pandemonic Mentality’ ng mga Tiwalag na Lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo”

Responses to the Series of Deceptions against the Iglesia Ni Cristo #21-40

Deception #40 – Isang serious crime daw ng kidnapping ang pagkuha kay Lowell Menorca II mula sa Sorsogon.

Kidnap nga ba

Answer:

Ito ay isang paraan ng “Trial by publicity” na kung saan ay hinahatulan nang guilty sa kaso ang isang tao dahil lamang sa ilang impormasyon o maling impormasyon. Ang akusasyon ng kidnapping ay isang seryosong akusasyon. At ang paglilitis sa ganitong kaso ay ginagawa sa isang korte na may jurisdiction sa kaso.

Nag-petisyon si Llowel Menorca II ng writ of amparo sa Supreme Court dahil naniniwala siyang neutral ang sangay na ito ng gobyerno. Ibinaba ng SC sa Court of Appeals ang pagdinig sa petition. Subalit nabigo siyang akitin ang korte sa kaniyang kasinungalingan nang magdesisyon ang CA na i-strike-out ang maraming bahagi sa kaniyang 53-pages na Judicial Affidavit.

Sa 42-pages na resolution ng CA ay binura ang mga “hearsay statements” tulad ng:

… The court specifically deleted the statement of the former minister that some of the respondents were “threatening us that the Church administration will not let us live once we get implicated with Antonio Ebanghelista,” referring to the fictitious blogger who publicly hurled allegations of anomalies against the INC leadership.

The CA has also stricken out Menorca’s statement pertaining to Manalo: “Bro. Mabasa talked to us inside our house and told us that the decision given by Bro. Eduardo Manalo was to give us another chance.”

Another piece of hearsay, the CA ruled, was Menorca’s claim that an INC official told him that the same people who can send him to jail are the same ones who can make him disappear.

The CA justices have already approved the deletion of some of Menorca’s statements, including his claim that he was “forcibly taken upon orders of the INC.” They said he “has no authority and personal knowledge” to make the claim.

May internal na pamamaraan sa ministerio sa pagsisiyasat sa mga kaso. At iyan ay alam ni Menorca. Ang paggamit niya ng social media para dito ilabas ang sinasabi niyang ebidensiya ay isang maliwanag na pandaraya at kawalang respeto sa ating judicial system.

Related Readings:

http://thephilippinestar.ph/articles/2016-02-10/news/ca-strikes-out-ex-ministers-raps-vs-inc/139706

http://www.tempo.com.ph/2016/02/10/news/main/ca-strikes-out-portions-of-menorcas-affidavit/#skTTOgWqfjMhyfKA.99

http://www.manilatimes.net/expelled-minister-no-direct-threats-from-inc/241726/

http://www.mb.com.ph/ca-allows-cross-examination-of-former-inc-minister-menorca/#tDRA9X9dLhHOsrCh.99

https://lumenlegis.wordpress.com/2016/03/12/moot-and-academic-writ-of-amparo/


Deception #39 – Umuugong DAW ang balita na si Binay ang dadalhin ng INC. Kaya daw ni BINAY na bayaran ang INC dahil sa siya’y isang corrupt official … etc.

Election Binay

Answer:

Official o Unofficial man ay wala pang ipinalalabas ang Pamamahala kung sino ang kandidatong tutulungan sa pagka-pangulo. Sundin ang mensahe ni Ka Arnel Tumanan ukol dito. Iwasan ang pagbibigay ng anumang komento pabor o laban sa kaninumang kandidato sapagkat hindi pa natin alam kung sino ang ipapasiya ng Pamamahala na tutulungan. Basahin dito.

Ang tape recorded na message ni General John Doe (na sa paraan pa lang ng pagsasalita ay hindi kapani-paniwala) ay isang modus ng mga itiniwalag para manloko ng kandidatong naghahangad ng boto ng Iglesia. Read: “INC Defenders” vs “INC Unity”

Pending case o wala pang hatol ang korte sa mga “akusasyon” kay VP Binay. May due process of law na dapat irespeto.


Deception #38 – May plano DAW si Jezebel (gustong tukuyin ng mga tiwalag ay si Ka Babylyn) na lipulin ang LAHAT NG MGA MINISTRONG inordenehan ni Ka Erdy at ipalit ang lahat ng naordenahan ni Ka Eduardo Manalo. Kaya kaunti na lang daw ang panahon ni Radel Cortez at mga kasama.

Whoa!

Answer:

Saan naman kaya napulot ng mga tiwalag ang istorya nilang ito?

Kung totoo ito, mapalad si Ka Joel San Pedro at Edwil Zabala! Haha!!!


Deception #37 – Nakatakda DAW pangasiwaan ni Ka TJ Orosa ang ministerial conference sa Lunes. Litong-lito na raw ang mga ministro kung paano pangangasiwaan ng hindi ministro ang pulong ng mga ministro.

TJ Orosa daw Oh

Answer:

Wala pong nakatakdang ministerial conference sa Lunes.  Wala ring karapatan si Ka TJ Orosa na mangasiwa ng gayong pagpupulong. Tsismis lang po ito.

Wala ring ganoong kalituhan sa panig ng mga tunay na ministro. Marahil yung tiwalag na nag-imbento ng istorya ang nalilito sa sarili niyang gawang kuwento.


Deception #36 – Bakit daw mayroong “Make EVM Smile” Project. Ito DAW ay pure IDOLATRY na.

Answer:

Ang “Let’s Make EVM Smile Project” ay initiative ng mga kapatid na nagsimula sa abroad upang ipadama sa isang paraan ang kanilang pagmamahal sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Walang nalalabag na doktrina ang proyektong ito. Ang totoo ay nakatutulong pa nga ito upang matupad ang aral na nakasulat sa Biblia ukol sa pagpapasakop sa Pamamahala na nakasulat sa Hebreo 13:17-

 17 Be responsive to your pastoral leaders. Listen to their counsel. They are alert to the condition of your lives and work under the strict supervision of God. Contribute to the joy of their leadership, not its drudgery. Why would you want to make things harder for them? (The Message)

Ang totoo, mula pa sa panahon ng Sugo at maging sa panahon ni Ka Erdy ay may initiatibo na rin ang mga kapatid ng pagpapahayag ng damdamin sa Namamahala tulad ng isang larawan sa ibaba.

January 2009

Hindi ito idolatry sapagkat kahit sa isip ng isang kapatid na nagpapahayag ng pagmamahal sa Pamamahala ay walang may isipan o motibo na sambahin ang taong namamahala sa Iglesia. Kung bakit ganoon kataas ang pagpapahalaga ng mga tunay na kapatid sa Namamahala ay sapagkat ang pakikiisa sa kanila ay pakikiisa sa Ama at sa ating Panginoong Jesucristo batay sa I Juan 1:3-

3Siya na aming nakita at narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesucristo. (Ang Salita ng Dios)


Deception #35 – Nung araw DAW na humingi ng tulong si Ex-Min. Angel Manalo ay siya rin daw araw na dudukutin sila at itatapon sa liblib na lugar na walang mahihingan ng tulong.

Hostage Lie

Answer:

Another kwentong tambay po ito. Walang ganoong pagtatangka sa buhay nila. Gusto lamang ng gumagawa ng ganitong kuwento na ilayo ang loob ng mga kapatid sa Pamamahala. Bakit naman nang tutulungan na sila ng pulis ay sinabi ni G. Angel na hindi naman sila hostage, payapa sila at may nagbibirong bata lamang daw nag-display ng “Help, Hostage Kami!”?

Basahin ang mga news articles:

http://www.philstar.com/headlines/2015/07/24/1480468/qcpd-no-hostage-taking-manalo-house-INC

http://cnnphilippines.com/news/2015/07/24/QCPD-chief-No-hostage-taking-at-Manalo-residence.html

http://www.gmanetwork.com/news/story/527654/news/nation/no-basis-to-request-for-warrant-to-enter-manalo-compound-qcpd-chief

http://manilastandardtoday.com/news-flash/182973/angel-manalo-tells-acting-qcpd-chief-pagdilao-they-are-safe-inside-manalo-compound-including-his-mother-tenny-.html

http://news.abs-cbn.com/nation/metro-manila/07/23/15/tenny-angel-manalo-not-held-hostage-police-say


Deception #34 – Ang dahilan DAW ng pagpanaw at biglang pagkawala ni Ka Erdy ay nag-ugat sa bumangong “sigalot sa Iglesia” na bumatikos sa Pamamahala ni Ka Erdy: ang STF na itinatag daw ni Ka Babylyn.

Recycled Lie!

Answer:

Walang sigalot na naganap sa Iglesia noong 2004. Ito ay bahagi ng istoryang pilit na inuukilkil ng mga tiwalag para lamang pasamain o siraan ang pagkatao ng maybahay ni Ka EVM.

Ang sinasabing NewGens ay lumitaw sa Internet noong 2000. Ang STF ay hindi lihim ang pagkakatatag. Ito’y pinagtibay ni Ka Erdy. Katunaya’y sa isang larawan ay guest pa nga sa isang okasyon nito si Ex-Min. Angel Manalo. Pinipilit lamang itong iugnay ng mga tiwalag ngayon sa grupong naninira noon sa Iglesia na nagpakilalang NewGens.

At bagamat sumailalim sa isang pagpapagamot si Ka Erdy bandang 2003 ay ikinagalak nating makita na lumakas pa si Ka Erdy at makailang beses pang nangasiwa ng pagsamba sa Templo, Luzon at T. Sora noong 2005-2007.

Ang dahilan ng pagkamatay ni Ka Erdy ay cardiopulmonary arrest at ito ay bunga na rin ng kaniyang katandaan. Ang kaniyang edad nang siya’y papagpahingahin na ng Diyos ay 84. Kaya nga dahil sa alam nating nasa matandang edad na si Ka Erdy bago siya pumanaw ay lagi nating ipinananalangin noon sa Diyos na kung maaari ay pahabain pa ang kaniyang buhay.

Related: GMA News Report on Ka Erdy’s death.


Deception #33 – Pinakamahina daw ang ulo ni Ka EVM sa kanilang magkakapatid.

Mahina isip ng nagsabi nito.

Answer:

Bagamat hindi po ang educational attainment ang ipinag-akit ng mga tunay na sinugo ng Diyos, at si Ka FYM ay mababa lamang ang pinag-aralan sa pamantayan ng tao, gayunman mula sa Sugo ay sinikap niyang mapag-aral ang kaniyang mga anak para sa kapakanan ng Iglesia. Iyan din ang sinikap ni Ka Erdy para sa kaniyang mga anak upang makatulong din sila sa ibat-ibang larangan ng gawain.

Subalit ang sinasabi ng mga tiwalag na “pinakamahina” daw ang ulo ni Ka EVM na binansagang “Edong” ng mga lapastangan, ay hindi mapatutunayan kung ang titignan ay ang kaniyang mga credentials at achievements. Para sa kabatiran ng lahat, si Ka EVM ay nagsimulang mag-aral ng elementarya sa Jose Rizal College (ngayo’y JRU), at natapos ang kaniyang primary at secondary education sa Jose Abad Santos Memorial School (JASMS).

Sa tertiary level, bukod sa pagmiministro ay nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts in Philosophy sa University of the Philippines (UP) na siyang pinakabantog na pamantasan sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan, at dito ri’y kumuha ng masteral units sa graduate level sa kurso ring Philosophy.

Siya rin ay kinilala ng ComputerWorld Philippines 2001 na kabilang sa “group of pioneers that brought the nation into the Internet Age.” Isa siya sa mga pangunahing gumamit ng Bulletin Board System (BBS) sa panahong nagsisimula pa lamang ang Internet sa Pilipinas at may kasanayan din sa computer programming. Bunga nito ay nagsimula ang computerized records management ng Iglesia Ni Cristo Central Office.

Subalit higit sa intellectual na kakayahan ni Ka EVM ay ang mga kasanayan at kaloob bilang ministro. Sa edad pa lamang na 16 ay nagsimula na siyang mag-contribute ng mga Tagalog at English articles sa Pasugo/God’s Message bilang pagtatanggol sa ating pananampalataya.

Inatasan din siya ni Ka Erdy na magsagawa ng pastoral visitations sa Hawaii at California ng Estados Unidos noong 1998. Naulit ito noong taong 2000 nang ipadalaw sa kaniya ni Ka Erdy ang mga lokal ng Iglesia sa sampung estado sa Amerika. At ang pinakahuli ay noong 2006, nang siya’y papuntahin ni Ka Erdy sa Middle East, Europe at Asia upang personal na madalaw ang mga kapatid sa mga bansang nabanggit. (Sa panahong ito ginawan ng masamang ulat ang STF).

Kaya, walang batayan ang pagsasabing pinakamahina sa magkakapatid si Ka Eduardo, ang katunayan ay siya pa nga ang may pinakamataas na naabot na pinag-aralan at binigyan ng pinakamalaking pagtitiwala ni Ka Erdy hanggang sa pinakahuling sandali. Walang ibang anak si Ka Erdy na binigyan niya ng ganito kalawak na pagtitiwala na ang iba ay hindi ko na nabanggit.

Kung sino man ang source ng pagsasabing pinakamahina sa magkakapatid si Ka EVM ay BAKA IYON ang hindi nakatapos ng pag-aaral o pinakamahina kaya naninira na lamang.


Deception #32 – Nagsisimula na DAW ang protesta sa CEM laban kay Ka EVM. 800 na daw ang tumigil dahil dismayado sa kasalukuyang Pamamahala.

Answer:

Wala pong protesta ang mga mag-aaral sa CEM. Nais lamang ng mga tiwalag na gumawa ng scenario na nagkakagulo na sa Iglesia. Huwag kayong maniniwala. Ang totoo, napakarami pang naghahangad na makapasok sa CEM upang makatulong sa Pamamahala ng Iglesia sa pagpapalaganap ng ebanghelyo subalit hindi na tinanggap. Payapa at maayos na napangangasiwaan ang ating Paaralang CEM. Sa katunayan ay pinaghahandaan na ang pagbubukas ng mga bagong extensions sa ilang mga lalawigan sa Pilipinas.

Hindi rin totoo na tumigil ang “800” bilang protesta sa kasalukuyang Pamamahala.

Tungkol sa sinasabing bilang ng mga mag-aaral na lampas sa 700 (hindi 800), mahigit sa kalahati nito ay nasa Preparatory level pa lamang na mga nasa probinsiya na hindi na pinayagang lumuwas sa CEM Main dahil sa lacking o hindi natugunang requirements, at ang iba naman ay dahil sa health issues. Ang nalalabing bilang naman ay pinatigil bilang bahagi ng quality control ng ating College of Evangelical Ministry.

Maliit na porsiyento lamang ito kung ihahambing sa humigit-kumulang ay 9,000 kabuuang bilang ng kasalukuyang nag-aaral.


Deception #31 – Kawawa DAW ang mga bagong ordenang ministro dahil walang “basbas” at walang karapatan ang nag-ordena sa kanila.

Wala daw basbas ang nag-ordain.

Answer:

Mapalad ang mga kapatid na kabilang sa mga na-ordenahan sa unang ordenasyon na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw sa Lunsod ng Jesusalem na siyang orihinal na tahanan ng Cristianismo.

Ang nakaka-awa ay ang mga taong hanggang ngayon ay hindi matanggap ang karapatan sa Pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ang kanilang istorya na walang basbas si Ka EVM bilang TP ay bunga ng hindi nila pagkaunawa sa prosesong panloob ng Iglesia ng pagpili at paghahalal ng magiging lider pangkalahatan nito. O kaya naman ay sadyang ni-rerecycle lamang nila ang kanilang kasinungalingan upang mandaya, na iyan naman ay sinagot na sa mga naunang posts:


Deception #30 – Sinampal DAW ni Ka Erdy si Ka Babylyn V. Manalo dahil bastos DAW sumagot.

Tsismis
Kuwentong Barbero o Kuwentong Tambay?

Answer:

Tulad ng akusasyon na ipadudukot at ipapapatay DAW ni Ka EVM ang kaniyang mga kapatid, ang sinasabi nilang ito laban kay Ka Babylyn ay either na isang kuwentong barbero o kuwentong tambay.

Nawa’y tigilan na ng mga tiwalag ang paggamit sa pangalan ni Ka Erdy upang siraan ang kasalukuyang Namamahala. Pati ang yumaong Ka Erdy ay gusto pa nilang siraan.

Nasa inyo na po kung maniniwala kayo sa mga naninira sa Pamamahala.


Deception #29 – Hindi DAW totoo na kusang bumaba ang magkapatid (Angel & Mark). Hindi DAW sila binibigyan ng suguan at tulong… Gusto DAW patayin sa gutom… Pahayag DAW ito ng isang ministro na malapit sa pamilya ni Ka Erdy.

Hindi DAW totoong bumaba ang magkapatid
Ang galing mag-imbento!

Answer:

Ito ay “appeal to pity” o paawa epek ng mga tiwalag at may ilang napaniwala sa ganitong strategy.

  • Ang sinasabing pinagmulan ng pahayag na ito ay ang iilang ministrong tinanggal at itiniwalag na nakinabang sa panahong nakapuwesto ang magkapatid. Ito ay sina Joy Yuson, Hernani Diwa, Ernesto Pineda, at Farley De Castro. Ang mga ito ay hindi naman kinakausap ni Ka Erdy noong nabubuhay pa siya. Kundi ginagamit lamang ng mga ito ang dalawang magkapatid. Yung iba naman ay nakisawsaw na lang.
  • Hindi totoo na hindi binibigyan ng suguan ang magkapatid. At ito ay mapatutunayan sa suguan ng mga ministro noong distrito pa ng Central ang buong Quezon City. Hindi rin lingid sa mga nasa QC na hanggang taong 2013 o lampas pa ay nakaaabang lagi ang suguan sa kanilang dalawa upang sa gayon kapag sila’y dumalo ng klase ay may tiyak na mapagsusuguan sa kanila. Katunayan pa ang ilang mga bagong saltang pastor sa QC noong panahon na iyon na hindi pa alam ang sitwasyon ng magkapatid ay ipinag-anyaya pa sa mga maytungkulin sa Baesa ang magiging pangangasiwa ni G. Mark Manalo, at sa Murphy naman ay nasa suguan din si G. Mark kaya ipinag-anyaya noon ng Pastor na ang mga kapatid ay bumalik sa hapon dahil mangangasiwa si G. Mark. Subalit iba na ang pinapangasiwa sapagkat iniwan na nga niya ang kaniyang tungkulin. Alam ito ng mga maytungkulin at mga kapatid sa dalawang lokal na ito at marahil ay may iba pang lokal na may katulad na pangyayari. Si G. Angel ang tumigil nang maaga sa pagdalo sa klase ng distrito. Kaya dahil sa sila’y umurong o inabandona ang kanilang tungkulin ay wala na rin silang karapatan na tumanggap ng tulong sa Iglesia. Ipinatupad lang ng Pamamahala ang tuntunin ukol dito.
  • Hindi rin totoo na sila’y papatayin sa gutom ng Pamamahala sapagkat kapatid pa rin sila sa laman ni Ka EVM. Hindi naman sila pinagbabawalang maghanap-buhay sa labas kung ayaw na nila sa ministerio. Sa mahabang panahon ay sagot ng Central ang kuryente nila at tubig, bukod sa pananatili sa pabahay ng Iglesia. Subalit sa kabila nito ay patuloy pa rin nilang siniraan ang Pamamahala. At ang ilang mga kapatid ay pumayag na magpadala ng tulong at pagkain sa #36 sa pag-aakala nilang nakatutulong sila sa mga nasa #36 gayung malakas naman ang kanilang katawan at puwedeng magtrabaho para ang ipapakain nila sa pamilya nila ay bunga ng kanilang pagpapagal.
  • Bakit naman ipapadukot at ipapapatay ni Ka EVM ang sarili niyang mga kapatid?
  • Gumagawa lamang ng scenario ang mga tiwalag na ito.

Walang kredibilidad ang gumagawa ng ganitong mga kwento. Mag-isip din sana ang lahat ng mga bumabasa.


Deception #28 – Sa panahon DAW ng Sugo at Ka Erdy ay puwedeng mag-‘Open Forum’. Ngayon DAW ay takot na ang mga ministro dahil tiyak na may magtatanong DAW ukol sa katiwalian na hindi nila kayang sagutin.

Wala na daw Open Forum
Akusasyon ng walang alam at hindi naman dumadalo sa gawain.

Answer:

Mula pa sa panahon ng Sugo at ni Ka Erdy ay personal na diskresyon na ng ministro ang pagsasagawa ng Open Forum hanggang sa kasalukuyan. Kaya marami pa ring mga ministro ngayon ang nagsasagawa ng Open Forum at ito ay KARANIWANG ISINASAGAWA sa mga Purok.

Ang isang katunayan na hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring Open Forum ay ang isasagawang Malaking Pamamahayag sa Abril 12 at 15 sa oras na alas-8:00 ng gabi sa Lokal ng Cubao, Quezon City. Inaanyayahan ang lahat na makinig at dumalo.

Subalit nais nating linawin na patakaran na mula pa sa panahon ng Sugo na hindi ine-entertain sa Open Forum ang mga “akusasyon” at walang kinalaman sa kaligtasan.


Deception #27 – Dahil DAW sa “Shortage of Funds” ay kinailangang i-adjust ang isang tore ng Kapilya ng Lipa City. Ang “imbalance” daw ng tore ng kapilya ay resulta daw ng pagpapakontrata at hindi na istriktong pagsubaybay ng INC-ECD. Sapagkat kung sa INC-ECD daw ay tiyak na tinibag agad at nasuspinde na ang nangasiwa ng proyekto.

Answer:

Lubhang nakakatawang kasinungalingan po ito. Kung nais ninyo ng katotohanan ay maniniwala pa ba kayo sa sinasabi ng mga tiwalag na ito na naninira sa Iglesia Ni Cristo? Maliban na lamang kung ang pinili ninyo ay “Willing Ignorance”. Nagpapa-impress sila na alam nila ang lokal at may reliable source of info sila. Sabi ng isa “I know that locale.” Tunay nga ba?

FYI, ang kapilyang nasa larawan ay ang Lokal ng Lipa City, Batangas. Ito ay sinimulang gawin noong December 5, 1964 at inihandog sa Diyos noong November 30, 1966 sa pangangasiwa ni Kapatid na ERAÑO G. MANALO. Ang engineering team sa proyektong ito mula 1964 hanggang 1966 ay pinangunahan ni kapatid na DOMINADOR G. MANALO katuwang si kapatid na BIENVENIDO G. MANALO, na kasalukuyang head ng INC-ECD. Kaya ang kapilyang ito ay ipinatayo sa panahon ni Ka Erdy. Pinagtibay din niya ang architectural design plan nito. Kaya sino ang sinisiraan ng mga tiwalag na ito? Si Ka Erdy mismo ang nilalapastangan nila at ang dalawa pa niyang kapatid. Ganito rin ang design sa Calamba, Angono, Pandacan, General Santos, Binangonan at iba pa na mga itinayo sa panahon din ni Ka Erdy.

Ang totoo, sa panahon pa ng Sugo ay may ipinatayo na ring kapilya na may implementation na rin ng asymmetrical design tulad ng magkaiba ang hugis, laki at taas ng tore na makikita sa Lokal ng Washington, Paco, Solis, Orani at Cabanatuan. Sino ang dapat suspindihen sa mga proyektong ito gayong Sugo mismo ang nag-approve sa design ng mga ito?

Sa panahon ni Ka Eduardo V. Manalo ay wala pang itinatayong kapilya na ang disenyo ng tore ay magkaiba. Subalit mali ba ang pagkakaroon ng “unbalanced towers” tulad ng kapilya ng Lipa City na ginawa sa panahon ni Ka Erdy? Hindi po. May ibang kaukulan ang pagkakaroon ng magkaibang hugis ng tore.  Sabi nga ni Ka Marlex Cantor:

You obviously don’t know art. Just because you see a difference in size of two spires does not make it any less balanced. Ever heard of Assymetric Balance? Read on:

“While symmetry achieves balance through repetition, asymmetry achieves balance through contrast. Asymmetrical, or informal balance, involves different elements that have equal visual weight; the weight is equal but the elements are not identical.

“Asymmetrical balance is casual, interesting and more dynamic than symmetrical balance.”  The Elements and Principles of Visual Design

Sa mga nagbabasa, maniniwala pa ba kayo sa kasinungalingan ng mga tiwalag na ito. Sinasabi nilang mayroong silang source na locale officer sa Lipa: either na hindi INC yung nakausap nila o bulag ding tulad nila. Hindi rin ipinakontrata ang renovation ng kapilyang ito. Kaya ang dapat na tibagin ay ang walang patumanggang kasinungalingan ng mga tiwalag.


Deception #26 – Namatay DAW ang dalawang STF dahil sa pagbebenta ng ticket ni Cris Brown.

STF Daw ay Namatay sa Pagbebenta
Aksidente ang nangyari.

Answer:

Hindi po miembro ng STF ang dalawang BEM Students na namatay sa malapit sa Bocaue Toll Plaza noong madaling araw ng Enero 1, 2015. (Hindi rin dahil International Students ay STF na).

Ang ikinasawi ng dalawang estudyante ay isang “AKSIDENTE” at ukol sa bagay na ito ay walang kailangang i-deny ang Iglesia Ni Cristo sapagkat iyan ay maaaring i-verify sa police report ng Bocaue PNP at news report sa pahayagan na mababasa here.

Ang pagre-recycle ng mga tiwalag ng ganitong kuwento ay para galitin ang mga kapatid laban sa Pamamahala. Kung mayroong MALALIM NA KATOTOHANAN sa isyung ito ay ang sobrang pag-iimbento ng kasinungalingan ng mga tiwalag.

Nasa mga bumabasa na po kung maniniwala pa kayo.


Deception #25 – Natiwalag DAW sina kapatid na Edwil Zabala, Joel at Rommel San Pedro dahil sa hindi binasa ang sirkular ng pagtitiwalag kay “Ka Tenny”.

natiwalag daw sina EZabal J&RSanPedro
Recycled Lie!

Answer:

Isa na naman itong recycled na kasinungalingan ng mga tiwalag na una nilang inilabas noong Agosto 2015.

Ang unang-unang makapagpapatunay na kasinungalingan na naman ito ay ang mismong mga tao na tinutukoy – sina Ka Edwil Zabala, Joel at Rommel San Pedro.

At ang ikalawang makapagpapatunay ay ang mga kapatid sa Iglesia na laging sumasamba. Walang binasa na pagtitiwalag sa tatlong ministrong tinukoy.

Walang ganitong pangyayari.

Narito ang link sa original post ni Ka Joel San Pedro.

Click: Sagot ni Ka Joel San Pedro


Deception #24 – Si Ka Babylyn Manalo DAW ang nagtayo ng STF at dahil dito’y “pinatawagan” daw ni Ka Erdy sa pamamagitan ni Mrs. Tenny Manalo … at pinasabihan daw na “baka” bumaba sa kaniya ang espiritu ni Jezebel.

Kelly Ong Deception

Answer:

Una, hindi si Ka Babylyn Manalo ang nagtatag ng STF. Ang nagtatag ng STF ay si Ka EVM sa kapahintulutan ni Ka Erdy na ating natalakay na dito: The STF-NewGens Myth. Ang istoryang ito ay isang alamat lamang na gawa-gawa ng mga tiwalag na nasa loob ng #36.

Ikalawa, ginagamit lamang ng mga tiwalag ang pangalan ni Ka Erdy ukol sa istorya kay Jezebel. Subalit ang totoo ay kinopya lamang nila ang istoryang ito mula sa gawa ni John Hamilton sa link na ito.

Ikatlo, ang pagtuturo ng mga tiwalag na mula sa grupo nila’y lilitaw ang “Makabagong Elias” na lulupig kay Jezebel ay maliwanag na pagtalikod sa pananampalataya sapagkat nagtuturo na sila ng ibang aral, aral na kahit si Ka Erdy ay hindi niya itinuro.


Deception #23 – Pinagtatakpan lamang DAW ng Iglesia Ni Cristo ang pagiging kaanib sa INC ni Maia Santos-Deguito, Branch Manager ng RCBC na sangkot sa Money Laundering Scandal.

Paninira sa Iglesia Ni Cristo
Post ng Tiwaling Blogger 4/27/16

Answer:

Kung wala po kayong tuwirang kaalaman tungkol sa mga taong involved sa Money Laundering case na kasalukuyan pang dinirinig sa Senado ay napakadali ninyong maloloko o mapapapaniwala ng mga naninira sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Sinagot na po natin ang tanong kung INC member nga ba si Maia Santos-Deguito sa post na The missing piece between RCBC and the Iglesia Ni-Cristo at ng maraming mga kapatid, maging ng mga hindi kaanib sa INC na personal na nakakakilala kay Mrs. Deguito.

Nais ko pong linawin na walang anumang laban ang INC kay Mrs. Maia Santos-Deguito at sa kaniyang pamilya. Hindi pa naman siya nahahatulan sa kaso. Kinikilala natin ang “right to be presumed innocent until proven guilty” ng isang suspect/accused sa isang kaso. At ito ay kapag ang kaso’y dininig na sa court of law pagkatapos pa ng hearing ng Senado. Nakalulungkot na ang Iglesia Ni Cristo ay pilit na kinakaladkad sa kaso ng mga itiniwalag sa Iglesia.

Sabi ng blogger sa kaniyang post na may petsang 4/27/2016 ay kilala DAW ng mga INC members si Mrs. Deguito at pinagtatakpan na lamang DAW ang kaniyang pagiging kaanib. Napakasakit din sa pamilya ni Mrs. Deguito na tawagin nang isang kriminal ng blogger na ito gayong kasalukuyan pa lamang na dinirinig ang kaso sa isang komite ng Senado at hindi pa sa criminal court. Nakaka-opende rin sa pamilya Santos-Deguito na ang kanilang mahal sa buhay ay ipagkaila ng mga tagapagtangol ng kanilang relihiyong Katoliko.

TANONG SA MGA TAGA-LOKAL NG BEL-AIR: Kilala ba ninyo si Maia Santos-Deguito?

Ako’y nanggaling din sa Lokal ng Bel-Air at sa ilang taon ko diyan ay WALA AKONG NAKILALA NA MAIA SANTOS o kaya’y DATING KAANIB NA MAIA SANTOS. Kahit ang mga Pamilyang Santos na personal ko kakilala diyan ay WALA SILANG KILALANG MAIA SANTOS NA naging kaanib kailanman sa INC sa Lokal ng Bel-Air.

Ang RCBC Branch ay nasa Jupiter Street. Subalit ang Kapilya ng Lokal ng Bel-Air ay nasa Orion Street. Walang kinalaman ang INC sa kasong iyan. Ang paghawak sa kaso ni Atty. Ferdinand Topacio ay sarili niyang pasiya bilang individual na abogado. Si Atty. Topacio, INC Convert, ay hindi kailanman naging kinatawan ng Iglesia Ni Cristo sa kaso. Bakit pilit na kinakaladkad ang INC sa eskandalo na iyan?

  • Hindi po kamag-anak ni Ka Jun Santos si Maia Santos-Deguito.
  • Hindi po kaibigan ni Ka Jun Santos ang Chinese Businessman na si Kim Wong. Hindi rin taga-LIG Condo si Kim Wong at hindi rin Koreano.
  • Sariling disposisyon ni Atty. Topacio, “Celebrity Lawyer” ang paghawak sa kaso tulad din ng paghawak niya sa kaso nina Cesar Mancao, Mike Arroyo, Anjelica Jones, Sarah Lahbati, Claudine Barreto.
  • Wala ring kinalaman ang INC nang siya’y pumanig sa Divorce sa isang debate sa TV. Ang INC ay kontra sa Divorce Bill. Sinaway siya ukol dito at humingi ng tawad sa Pamamahala dahil bago pa lamang at marami pang hindi alam sa doktrina ng INC tulad ng stand ng INC laban sa divorce.

Kung gusto niyong makasiguro, magpunta kayo sa Lokal ng Bel-Air.

Click the link: INC Bel-Air address

Wala pong pinagtatakpan at walang interes ang INC sa kasong iyan. Ang pagpasok ng abugado sa isang kaso ay hindi upang ipagtanggol ang mali, kundi tulungan ang isang nasasakdal na ipagtanggol ang kaniyang karapatan, anuman ang relihiyon, at lumabas ang katotohanan.

SOBRANG KASINUNGALINGAN NA PO ANG INIIMBENTO NG MGA TIWALAG!

GRABENG MAKAPAG-IMBENTO NG TSISMIS!


Deception #22 – The Brussels terrorist attack might be used by the Church’s “Sanggunian” to ask for “aid” only to be pocketed by themselves.

Horrendous Creatures accusing the Church Administration

Answer:

What a horrendous speculation or allegation! Not every situation requires a “Lingap” (Aid to Humanity) relief operation. It is SOP in situations like this that the resident minister/s in the affected place make an immediate report about the condition of the brethren in the affected area after visiting and holding prayers for them.

Slanderous statements such as this only show their evil motive to defame the Church Administration. It is they who are using such serious issues to spread lies against the Church.

May God still give them a chance to change their malevolent way of thought.


Deception #21 – Sa sinabi daw ni Ka EVM na kahit isang kapilya ay walang maipatatayo kung may kurapsiyon ay para daw niyang sinabing kapag nakapagpagawa ng covered court ay walang nakupit si Mayor.

Walang Kurapsiyon

Answer:

Itong argumento ng mga tisod/tiwalag ay isang halimbawa ng False Analogy. Napakababa pala ng tingin nila sa mga Gusaling Sambahan ng Iglesia Ni Cristo na ipinapantay lamang nila ang isang kapilya sa isang covered court. Ang sinabi ni Ka EVM ay isa lamang at hindi siyang kabuuan ng sagot sa mga paninira.

Ano pa ba ang masasabi ng mga taong ito na pinapagdilim na at binulag ni Satanas, na kapag nakakakita ng kapilyang naipatatayo ay parang covered court lang ang nakikita. Samantalang sa mga tunay na INC na nakakaunawa ng aral, ang mga kapilya ay sagrado at naitayo sa pamamagitan ng kusang-loob na handog ng mga kaanib.

Sa kanila, kapag may naipatayong kapilya ay may kupit daw. Talaga? Ganoon siguro trabaho nila.

Alam pala nila na maselang isyu ang kurapsyon ay bakit napakadali nilang maniwala sapagkat may nagsabi lang na may kurapsiyon?

Brethren really need to be intelligent in order not to be deceived.

Alamin pa more through Ka Bobby Fernandez’s post here.


To Read Deceptions 1-20, click here.

Responses to the Series of Deceptions against the Iglesia Ni Cristo #1-20

Deception #20 – Ang “tulong” daw na tinatanggap ng ministro ay mula sa Iglesia at hindi kay Ka EVM.

Tulong daw ng Ministro ay galing sa INC at hindi kay ka EVM

Answer:

Sino bang matinong ministro ang hindi nakaka-alam nito? na ang tulong na tinatanggap niya ay mula sa Iglesia at hindi kay Ka EVM?

Continue reading “Responses to the Series of Deceptions against the Iglesia Ni Cristo #1-20”

Who is the Deputy Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo?

Iglesia Ni Cristo Executive Minister

Arguments of the Expelled are in RED:

“Since 2009 that EVM illegally took over the office of Executive Minister (TP) I never heard WHO IS THE DEPUTY MINISTER (TP). Anyone can tell us who is the deputy TP?”

Did Brother Eduardo V. Manalo take over the Office of the Executive Minister illegally?

Continue reading “Who is the Deputy Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo?”

Ang Pandaraya ng mga Tiwalag sa paggamit ng Iglesia Ni Cristo Articles of Incorporation and Bylaws

“The Truth Will Set You Free”

31 So Jesus said to those who believed in him, “If you obey my teaching, you are really my disciples; 32 you will know the truth, and the truth will set you free.”

– John 8:31-32 Good News Translation (GNT)


Iglesia Ni Cristo

Ka EVM took oath as Successor in 1994 after being unanimously elected by the Church Council.

Nais ko po munang linawin na ang mga artikulo na aking ipino-post sa blog na ito ay aking personal na pananaw sa mga current issues na ipinupukol ng mga tiwalag laban sa kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan (TP) ng Iglesia Ni Cristo (INC). Continue reading “Ang Pandaraya ng mga Tiwalag sa paggamit ng Iglesia Ni Cristo Articles of Incorporation and Bylaws”

The misconception of the “Expelled” about the Iglesia Ni Cristo By-Laws

Bylaws equal daw sa Biblia

This is how the “Expelled” define the “Church By-Laws”.

The expelled Ex-Ministers are desperately trying to twist the Articles of Incorporation & By-Laws of the Iglesia Ni Cristo. They are saying that it should not be disregarded or changed lightly. Continue reading “The misconception of the “Expelled” about the Iglesia Ni Cristo By-Laws”

The Truth about the “Last Will” of Ka Erdy …

Response #3 on the Issue of Legitimacy in the Office of the Executive Minister

2 Feb 2016 09-54-41_1Let us study with an open mind the new information used by those expelled from the Church concerning their allegation that questions the legitimacy of Brother Eduardo V. Manalo as Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Continue reading “The Truth about the “Last Will” of Ka Erdy …”