Ang ‘Pandemonic Mentality’ ng mga Tiwalag na Lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Habang iniinda ng maraming tao ang pahirap at panganib na dulot ng pandemic na CoVid-19 ay patuloy naman sa panghahawa ang pandemonic na isipan ng mga itiniwalag sa Iglesia dahil sa ibat-ibang kaso na lumaban sa Pamamahala.

Anu-ano ang ilan sa mga sakit ng mga tiwalag na ito na nakakahawa sa mga nawiwiling magbasa ng kanilang mga posts sa social media kung mahina, walang-alam at hindi mapanuri ang nagbabasa?

Tisod sa Pag-aabuloy

Ito ang common na pagkakakilanlan sa mga tiwalag: tisod sila sa paghahandog na sa sobrang tisod nila ay nakalimutan nila na ito ay aral ng Diyos na nasa Biblia na itinuro pa sa panahon ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, kapatid na Felix Y. Manalo at itinuro din ng kapatid na Eraño G. Manalo.

Ayaw na ng mga tiwalag na mag-abuloy dahil daw sa pandemic. Tinawag pa nilang “uto-uto” ang mga kapatid na mag-aabuloy pa sa kabila ng pandemic at kawalan ng income.

Sagot: Lumilitaw pala na “uto-uto” para sa mga tiwalag na ito ang mga Iglesia Ni Cristo sa panahon ng mga Apostol na nag-abuloy ng higit pa sa kaya sa kabila na sila’y nasa “extreme poverty” batay sa II Corinto 8:1-3 NIV.  

Uto-uto din pala para sa tiwalag na ito ang babaeng balo na pinuri pa naman ng Panginoong Jesucristo dahil sa kabila ng kawalan ng income ay naghandog ng dalawang kusing na katumbas ng buo niyang ikabubuhay (Lukas 21-1-4). Hindi naman bawal sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na magbasa ng Biblia. Kaya basahin na lamang ninyo ang mga talatang nabanggit.

Nais pang palitawin ng mga tinamaan ng magaling na wala daw awa sa mga kaanib ang Namamahala sa Iglesia dahil sa patuloy na pag-aabuloy gayung wala nga daw income ang maraming tao ngayon … Sa ganitong pandemonic mentality ng mga tiwalag ay lilitaw na ang unang-una na walang awa ay ang Panginoong Jesus na sa halip na pigilan o patigilin muna sa pagaabuloy ay kinalugdan pa ang paghahandog ng babaeng balo na ang inihandog ay katumbas na ng buo niyang ikabubuhay.

Ganoon din ang lumilitaw na kanilang mentalidad sa pangangasiwa ni Apostol Pablo kung titignan ang kalagayan ng mga kapatid sa Macedonia na kahit na nasa extreme poverty ay nag-abuloy pa ng higit sa kanilang makakaya. Sila pa ang nagpumilit kay Apostol Pablo na kunin na ang kanilang abuloy ayon sa II Corinto 8:4.

Puso kasi ang sinusubok at tinitignan ng Diyos sa ginagawa nating paghahandog. Dito bagsak ang mga tiwalag na ito na lumaban at naninira sa Pamamahala.

Dahil mahirap talaga ang sitwasyon ngayon at tila may valid na dahilan para huwag munang mag-abuloy . . . gayunman ay hindi pa naman kasing bigat nito ang sitwasyong naranasan ng mga kapatid noon. Nasa Enhanced community quarantine pa lang naman ang karamihang lugar pero dapat nating mapansin na ayaw nang mag-abuloy ng mga ‘dati na namang hindi nag-aabuloy’ na mga tiwalag… Eh di lalo na kapag “extreme poverty” na tulad ng naranasan ng INC noon sa lalawigan ng Macedonia. Masama kasi ang puso ng mga tiwalag na ito kaya sila natitisod.

Sagot: Hindi pinilipit (twisted) ng ministro ang salita ng Diyos. Salita talaga ng Diyos ang binasa ng ministro na nakasulat sa Awit 50:22-23 wawasakin Niya ang lumilimot sa Handog Pagpapasalamat:

22″Listen to this, you that ignore Me, or I will destroy you, and there will be no one to save you. 23 Giving thanks is the sacrifice that honors Me, and I will surely save all who obey Me.” (TEV)

Nakalimutan ng mga tiwalag na ang Awit 50:22-23 ay itinuro na sa atin nang tayo’y doktrinahan. Ganyan talaga kapag pinagdilim na.

Palabintangin

Ang pagiging palabintangin ay isa sa mga masasamang ugali na ibinigay ng Biblia bilang palatandaan kaya ‘panahong mapanganib’ ang mga huling araw batay sa II Timoteo 3:1-3.

“… 3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,”

Halimbawa, sa tuwing makakakita ng convoy na may luxury vehicle lalo’t along Commonwealth Avenue ay kukunan nila ng picture at ibibintang na sa Iglesia Ni Cristo para palitawing untouchables daw at law breakers tulad ng nasa kanilang post.

Sagot: Wala namang masama na ang isang tao ay makapagpundar ng mamahaling sasakyan tulad ng Lamborghini. Subalit ang sasakyang kinunan at ipinost ng mga tiwalag sa itaas ay hindi pagmamay—ari ng INC o sinumang ministro sa INC o kahit pa kapatid sa INC.

Ano ang katotohanan sa sasakyang nakunan ng larawan na ibinibintang ng mga tiwalag sa INC? Eto ang sagot ng anak ng may-ari sa post ng isa sa mga tiwalag:

Miyembro ng Upper Class family ang may-ari. Hindi INC.

Unethical

Walang etiketa ang mga tiwalag na ito o mga REBELDENG TIWALAG kung tagurian nina kapatid na Michael Sandoval at Bobby Fernandez. Hinding-hindi rin pwede na pagtiwalaan ng anumang trabaho sa ospital ang mga katulad nina BA at SL sapagkat ang nais nila ay isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga pasyente dahil sa CoVid-19.

Napakababa pa ng tingin nila sa mga nurses sa New Era General Hospital na ang bonus na 30K (na hazard pay para sa mga frontliners) ay tinawag ng mga tiwalag na ito na bribe o suhol para daw itago ang identity ng mga pasyente sa NEGH.

Sagot: Alam ng nasa medical profession na nakapaloob sa Code of Ethics ang patient’s right to privacy and confidentiality. Kahit ang mga utility personnels sa mga ospital ay iginagalang ito.

Kaya itong tulad nina BA at SL ay HINDI PAPASA kahit sa pagiging utility ng ospital sapagkat sila ay unethical.

Ang pagiging unethical ay kahanay ng corruption at deception ayon kay Apostol Pablo. Ito ang uri ng mga tiwalag na naninira sa Paamamahala ng Iglesia.

3 When we encouraged you, we didn’t use unethical schemes, corrupt practices, or deception. – I Thessalonians 2:3 GW

Detalyadong sagot: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=150395133139356&id=100045066097773

Nagkakalat ng fake news

Ang nakakatulad ng mga tiwalag na ito ay ang 10 sa 12 tiktik na isinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan. Sa pagbabalik ng sampung tiktik ay gumawa sila ng “fake news” upang takutin at papagalinlanganin ang mga Israelita na dahil dito’y pinagisipan ng mga Israelita noon na palitan si Moises bilang lider at bumalik na lamang sila sa Ehipto. Mababasa ang pangyayaring ito sa Bilang 13:1-3 at 14:1-38.      

Ano ang halimbawa ng huling fake news ng mga tiwalag na ito na naniniktik sa Iglesia ngayon?     

  • Diumano’y pagpanaw ni Ka Michael Sandoval at Joe Ventilacion. (Nakalimutang isama si Ka Bobby Fernandez at nahiya pang isama si Ka Ramil Parba.)

Alalahanin ninyo na hindi nila binawi ang mga misinfomation o fake news nila tulad nitong ipinost nila noong 2016 –

  • Diumano’y pagpanaw ni ka Roland Esguerra.
  • Diumano’y pagiging kaanib ni RCBC manager na nahatulan ng korte boong 2019 sa kasong money laundering noong 2016.
  • Diumano’y kinapos na budget kaya hindi pantay ang tore ng kapilya sa Lipa City.

Review ng nakaraan:

https://johnkmagaling.wordpress.com/2016/04/03/responses-to-the-series-of-deceptions-against-the-iglesia-ni-cristo-21-40/

Tsismoso/Usisero

Sabi ng isang notorious na tiwalag ay hindi daw siya basta-basta magpopost kung walang kumpirmasyon. Kaya pala nag-post siya na bakit bigla daw nawala sa listahan ng mga barangay ang Brgy. New Era at biglang nagkaroon ng Brgy. Central sa ibang congressional district ng Quezon City. Gusto niya kasing palitawin na may kinalaman daw ito sa napipintong distribution ng Social Amelioration Program sa QC.

Actually, matagal nang barangay ng QC ang Brgy. Central na sumasakop sa lugar na kinatatayuan ng QC Hall. Hindi nito sakop ang Central Office ng Iglesia . . . Yan naman ang ugali ng mga tiwalag na ito, sa tuwing sasablay ang tsismis nila na bago nila i-post ay kinumpirma muna nila ay basta na lamang nila iiwan at walang anumang pagtutuwid sa kanilang mga posts.

Pero tignan ninyo kung saan magaling ang mga tiwalag na ito:

Napansin ba ninyo kung gaano kalikot ang utak ng mga tiwalag na ito? D’yan sila magaling.

Ngayon ay gusto ng mga tiwalag na ito na mag-petisyon ang mga kapatid na ilabas daw ang ksalukuyang health condition ng kapatid na Eduardo V. Manalo. Para ano? Tulad daw ng petition sa korte para pilitin ang Malacañang na isapubliko ang talagang health condition ng Presidente Duterte.

Sagot: Well, una, sinabi na ng Presidente na sa edad niyang 74 ay marami na siyang sakit na karaniwan sa matatanda. Ikalawa ay tiniyak na niya sa publiko na siya ay “fit and healthy”. Ikatlo, ang sinasabi sa Philippine Constitution Article VII Section 12 ay nakapaloob sa kondisyon na “only if he has a serious condition.”

Salamat sa Diyos sapagkat gaya ng nasaksihan ng maraming kapatid through live streaming ay malakas na malakas ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Yan ay ini-report na rin sa INCTV News and Updates. Kahit naman sa by-laws (na tinawag pang banal na dokumento ng isa sa mga lider nila) na paboritong ipangloko ng mga tiwalag lalo na noong 2015 ay walang probisyon doon na isa-publiko ang health condition ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

Ano lang talaga ang habol ng mga tiwalag na ito? Tsismis!!!

Ang pagiging mahilig sa mga tsismis ay isa sa mga ugali ng mga tumalikod sa Diyos ayon sa Roma 1:29 ABAB –

29 Napuno sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, kahalayan; at puno ng inggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, katusuhan, mahihilig sa tsismis,

Anti-Government

Bagamat may kani-kaniyang personal na paniniwalang pulitikal ang bawat kaanib sa INC ay tinuruan tayo na magpasakop sa Gobyerno, lalo’t ang batas na ipinatutupad ay walang nalalabag sa mga aral ng Diyos.

Aral ng Diyos na tinutupad hanggang ngayon ng mga Iglesia Ni Cristo na sumunod at magpasakop sa mga lider ng Pamahalaan batay sa Roma 13:1 SNB –

1 Magpasakop kayong lahat sa mga namiminuno sa pamahalaan. Sapagkat walang kapangyarihang hindi sa Dios nanggaling. Ang Dios ang naglagay sa mga nasa kapangyarihan.

Kahit ang Iglesia Ni Cristo ay mahigpit na tumutol sa pagsasailalim sa bansa sa Martial Law noong 1972 ay nagpasakop pa rin tayo sa gobyerno. Tumulong tayo at nakiisa sa mga programa ng gobyerno ni Presidente Marcos na para sa ikabubuti ng bansa.

Itong isang notorious na tiwalag (noong panahon pa ng Ka Erdy) ay nagpapakilalang “makabayan” daw siya. Hindi raw niya gusto si Duterte pero hindi naman daw siya dilawan at para sa kaniya ay ano daw ang problema.

Sagot: Sa sistemang demokrasya ay dapat igalang at kilalanin kung sino ang inihalal ng majority. Kung hindi siya dilawan at hindi niya gusto si Duterte ay baka si Pamatong ang gusto niya. 😂😂😂 Dahil kung siya’y nasa panig ng bayan, ang mataas na majority ng mamamayang Pilipino ay nasa panig ni Presidente Duterte. Ang katunayan ay ang huling SWS survey na kung saan ang rating ng Pangulo ay +73 percent o na sa uring “excellent”.

Kaya sa halip na magngangawa sa social media ay tumahimik na lamang. Hindi makatutulong ang isipang negatibo. Makipagkaisa tayo sa pamahalaan para huwag nang kumalat pa ang virus, kung wala namang sasabihing makabuluhan ay “Quarantine your mouth” sabi nga ni Sen. Bong Go.

Kaya maging maingat tayo sa mga nababasa natin sa social media. Huwag basta basta maniniwala lalo na at ang layunin ay sirain ang ating pagkakaisa, pagpapasakop sa Pamamahala at pagsunod sa mga aral ng Diyos. Sapagkat ang sakit na dulot nito ay hindi lamang sa buhay na ito kundi kapahamakan sa Araw ng Paghuhukom.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.