Ang ‘Pandemonic Mentality’ ng mga Tiwalag na Lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Habang iniinda ng maraming tao ang pahirap at panganib na dulot ng pandemic na CoVid-19 ay patuloy naman sa panghahawa ang pandemonic na isipan ng mga itiniwalag sa Iglesia dahil sa ibat-ibang kaso na lumaban sa Pamamahala.

Anu-ano ang ilan sa mga sakit ng mga tiwalag na ito na nakakahawa sa mga nawiwiling magbasa ng kanilang mga posts sa social media kung mahina, walang-alam at hindi mapanuri ang nagbabasa?

Continue reading “Ang ‘Pandemonic Mentality’ ng mga Tiwalag na Lumaban sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo”

Ang lalong mabigat na kaso kaysa libelo

1 (5)_1

Kung nabubuhay pa si Ka Lowell C. Menorca, dating Kalihim Administrabo sa panahon ni Ka Erdy ay hinding-hindi niya papayagan ang ginagawa ngayon ng kaniyang anak. Kilala ko si Ka LCM mula nang siya’y naging pastor sa Lokal ng Balut (Ngayo’y H. Lopez, Metro Manila West), pinagtiwalaan ng malaking pananagutan sa Iglesia, Tagapagturo ng mga nagmiministro, at nakatapos ng kaniyang takbuhin bilang Pastor ng Lokal ng Ususan, Metro Manila South. Continue reading “Ang lalong mabigat na kaso kaysa libelo”